Ang “comic strip” ay tungkol sa pagkakaroon ng impluewensiya ng simbahan sa pamahalaan na inilarawan ni Jose Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere. Ipinapakita rin ang mga isyung panlipunan tulad ng pagmamalabis ng mga taong makapangyarihan at kakulangan sa sistema ng edukasyon. Ang mga nasabing isyu ay patuloy na namamayani sa ating lipunan hanggang sa kasalukuyang panahon.
Paminsan pinangungunahan na ng simbahan ang pamahalaan at walang magawa ang pamahalaan kung hindi sundin ang nais ng simbahan tulad ng nangyari sa pista ng San Diego. Nagpulong ang partido liberal at partido konserbatibo. Nagkasundo sila sa isang makabuluhang pagdaraos ng pista, ngunit sa huli ang gusto ni Padre Salvi pa rin ang nasunod. Hindi pa nagpulong ang dalawang partido ay nagpasya na si Padre Salvi. Walang nagawa ang gobernadorsilyo kung hindi sundin ang nais ni Padre Salvi.
Simbahan At Pamahalaan - Ano Ang Impluwensya Ng Simbahan Sa Lipunan />
Hindi pa rin nawawala ang problemang ito sa kasalukuyan ngunit ito ay nabawasan nang kaunti dahil ang pagkahiwalay ng pamahalaan at simbahan ay nakasaad na sa ating saligang batas. Hanggang ngayon ay makikita pa rin na pinahahalagahan ng pamahalaan ang opinyon ng simbahan kaya may mga “bill” pa rin na hindi maipasa sa ating bansa. Natagalan bago naipasa ang “Reproductive Health ( RH ) Bill ” dahil sa hindi pagsang-ayon ng simbahan. Panay ang batikos ng mga pari sa pagpasa ng “RH Bill” sa pamamagitan ng kanilang mga sermon. Hindi nakatiis sa pakikialam ng simbahan sa “RH Bill” si Carlos Celdran kaya nagprotesta siya sa loob ng Manila Cathedral. Nakulong siya ng isang araw dahil sa kanyang ginawa. Ipinasa ng mga mambabatas ang “RH Bill” para mapagplanuhan ang pagpapamilya. Gustong iwasan ng pamahalaan na magkaroon ng maraming anak na hindi kayang pakainin at paaralin ng mga magulang ngunit para sa simbahan, ito ay labag sa utos ng Diyos.
Esp 9 Modyul 4
Mapupuna ang laki ng impluwensiya ng simbahan sa mga tao kaya kapag malapit na ang eleksyon, sinisigurado ng mga tatakbong kandidato na hindi nila masagasaan ang simbahan kung hindi malaki ang botong mawawala sa kanila at ito ay pwede nilang ikatalo. Hindi natin maalis sa mga Pilipino ang pagsunod sa mga utos at desisyon ng simbahan dahil ito ay nasa kultura na natin.
Sa Kabanata 15 ng Noli Me Tangere na may pamagat na “Mga Sakristan”, inilarawan ni Rizal ang pang-aabuso ni Padre Salvi sa kanyang kapangyarihan. Nang mawala ang dalawang onsa sa simbahan, ang sakristang si Crispin ang pinagbintangan. Ipinalalabas kay Crispin ang dalawang onsa ngunit hindi niya ito magawa dahil hindi naman siya ang kumuha. Dahil dito, siya ay binugbog hanggang siya ay namatay. Walang kalaban-laban si Crispin sa makapangyarihang sakristan mayor.
Makikita pa rin ang pang-aabuso sa kapangyarihan sa kasalukuyang panahon. Kaliwa’t kanan ang korapsyon o katiwalian ng mga taong nanunungkulan sa pamahalaan. Binoto sila ng mga tao dahil sa binitiwan nilang mga pangako. Sa halip na tuunan nila ng pansin ang kapakanan ng mga mamamayan, abala sila sa pagpapayaman. Maraming patayan tuwing eleksyon dahil sa kagustuhang manalo ng mga kandidato hindi upang makapaglingkod sa bayan kung hindi para yumaman at makabawi sa malaking nagastos sa pangangampanya. Karaniwan na ang pagbibili ng mga boto tuwing eleksyon sa bansa.
Pagsisiyasat Sa Mga Ugat Ng Kapanglawan Ng Mga Simbahan
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ang ilang mambabatas dahil sa katiwalian ukol sa paggamit ng “pork barrel”. Ang “pork barrel” ay ang nilaang malaking halaga ng pambansang taunang badyet ng pamahalaan sa mga mambabatas. Ito ay kinukuha sa kabang-yaman ng bansa. Sa halip na gamitin ang “pork barrel” ng mga mambabatas sa mga lokal na proyekto ng kanilang mga distrito, binubulsa nila ang mga ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahina-hinalang proyekto.
Ang pagmamalabis o katiwalian ay makikita hindi lamang sa mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan, kung hindi pati sa mga ordinaryong opisyal ng gobyerno tulad ng kapulisan. Makikita natin sa lansagan ang pangongotong ng mga pulis sa mga drayber ng pampasaherong bus at dyip. Kakaunti na lang ang kita ng mga drayber dahil sa malalang trapik ay kinokotongan pa sila ng mga pulis. Para makabawi, nagpipilit ang mga drayber ng pampasaherong bus at dyip na makarami ng biyahe. Ito ay nagreresulta sa mga aksidente sa daan.
Grabe rin ang “red tape” sa bansa. Makupad ang takbo ng mga papeles sa mga tanggapan ng gobyerno. Pinahihirapan ang mga tao sa pag-ayos ng kanilang nilalakad na papeles kung walang lagay o suhol.
Isyung Politikal Sa El Filibusterismo.ppt
Ang katiwalian ng mga lokal na opisyal na pinagkatiwalaan ng mga pondo para sa pagpagawa ng mga pampublikong paaralan at pagbili ng mga kagamitan para sa paaralan ay nagpalala sa suliranin sa sistema ng edukasyon sa ating bansa. Tinalakay ni Rizal sa Kabanata 19 ng Noli Me Tangere ang mga suliranin tulad ng kakulangan ng mga silid-aralan, kagamitan, guro at ang di-sapat na suweldo ng mga guro. Sa kasalukuyan, makikita pa rin sa ating sistema ng edukasyon ang mga nabanggit na problema. Hindi nabigyan ng ating gobyerno ng sapat na badyet ang edukasyon. Dahil sa kakulangan ng silid-aralan, may pagkakataong ang mga klase ay ginaganap sa ilalim ng puno o kaya ang mga estudyante ay nagsisiksikan sa silid-aralan. Paminsan dalawang bata ang naghahati sa iisang aklat. May pagkakataong mali mali ang nakasulat sa aklat. Dahil maliit ang suweldo ng mga guro, marami sa kanila ang nangingibang bansa para kumita ng mas malaki. Lalong nagkulang ng mahuhusay na guro ang ating bansa.
Ayon kay Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Paano makakatulong ang mga kabataan sa pag-unlad ng ating bansa kung hindi sila mabigyan ng sapat na edukasyon? Mahalagang mabigyan ng pansin ng pamahalaan ang mga kabataan.
Sa tulong ng “comic strip” , umaasa akong naipakita ko ang ugnayan ng simbahan at pamahalaan. Hindi natin mapagkaila ang malaking impluwensiya ng simbahan hindi lamang sa mga ordinaryong Pilipino kung hindi pati na rin sa pamahalaan. Nasa kultura na natin ang pagsunod sa desisyon at utos ng simbahan. Kailangan lang may hangganan ang panghihimasok ng simbahan sa pamahalaan dahil nakasaad sa ating saligang batas ang pagkahiwalay ng pamahalaan at simbahan.
Globalisasyon At Ang Simbahang Ortodokso