Panimula Sa pagitan ng digmaang Kastila at Amerikano sa bansa noong panahon ng kolonyalismo, ang pelikula ay naipakilala sa mga katutubong mamamayan ng Pilipinas. Ito ay naging isang malaking impluwensiya sa kultura, lipunan, at pati na rin sa politika kung susuriin ang kasaysayan ng sinema sa bansa. Bagamat hindi katutubo ang pelikula, naging behikulo ito upang mabuo ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Sa panahon kung saan hindi pa ‘Pilipino’ ang mga Pilipino buhat ng kolonyal na pag-iisip at ideolohiyang lakas ng mga dayuhan, ang pelikula ay isa sa mga nagsilbing midyum o kasangkapan upang mabuo ang esensya ng pagiging Pilipino. Subalit ano ang ibig sabihin ng pagiging “Pilipino”? Ano ang kinalaman ng pelikula sa pagtaguyod ng sari-saring kaisipan mula sa loob at labas ng lupain na nakatulong at nakasagabal sa pag-unlad ng isang makabansang katauhan? [CONTINUE READING THIS @ Pelikula at Bansa: Ang Pagbuo ng National Cinema – SineSalita (wordpress.com) ]
“Napakahirap makuha pero napakadaling mawala.” Isang bagay na kailangan mo munang paghirapan bago mo makuha nang buo. Tunay na mahirap, tunay na komplikado, at tunay na mahalaga; ito ang tiwala! Masasabing lahat ng tao pinapahalagan ito. Alam natin ang kahalagahan nito sa anumang relasyon: relasyon sa kapwa, sa kaibigan, sa pamilya, pati na rin sa sarili. Ngunit alam ba talaga natin ang totoong kahalagan nito? Ang tiwala ang nagsisilbing sandigan ng anumang relasyon. Ito ang nagpapanatili ng samahan upang magpatuloy at lalong tumatag. Ito an gating pinanghahawakan kahit gaano pa karami ang ating hinala. Ang tiwala rin ang nagpapalakas ng loob ng isang indibidwal upang gumawa sa buong makakaya. Ito rin ang nagpapanatag ng ating kalooban at kaisipan. Ubod na halaga ang tiwala kaya marapat lamang na pahalagahan ito. Ang problema sa tao, alam natin ang kahalagan nito subalit hindi natin lubos na alam kung paano ito mapapahalagahan nang tama kapag ibinigay sa atin ito ng atin
Tungkol Sa Pag Ibig - Maikling Kwento Tungkol Sa Wagas Na Pag Ibig />
Walang papel, walang ballpen, walang assignment, walang pasok! Ganyan ang buhay estudyante, masarap, mahirap, madali, nakakainis, at nakakapagod . Masarap maging estudyante kasi araw-araw may baon. Mahirap lalo na kapag maraming assignments at proyekto. Madali kapag nabubuhay ka sa hingi. Nakakainis kapag palaging napapagalitan ng guro at nakakapagod gumising ng umaga. Buhay estudyante! Madaming nangyayari sa isang estudyante. Marami kang nararanasan na kung ano-ano. Mapagalitan, mapatayo, mapahiya, bumagsak, mapatawag sa office, magkaroon ng kaibigan, makipag-away , gumala, magsaya, umuwi ng gabi, magsinungaling, gumawa ng kalokohan at lalo na ang umibig . Walang araw na hindi magtatawanan ang barkada. Naranasan mo nang bumagsak at nakalimutang may assignment. Madalas kang kumopya at manggaya. Naranasan mo nang kumain at magtext ng patago habang nagkaklase. Kalimitang walang papel . Meron kang pangload pero wala kang pambili ng papel at ballpen. Minsan papasok na lang
Gumawa O Bumuo Ng Isang Maikling Kwento Na Nagpapakita Ng Wagas Na Pag Ibig O Pagbibigayan Na Walang
“Summer capital of the Philippines, ” ganito binansagan ang lugar na Baguio City. Sa aking mga paglalakbay, isa ang Baguio sa aking mga hindi malilimutan. Tatlong beses na akong nakarating dito: ang unang dalawa (Septyembre 2007 at Mayo 2016) ay kasama ang aking pamilya at ang huli ay field trip sa aming paaralan (Oktubre 2016). “Hindi nakakasawa, ” sabi ko sa aking isipan nang makarating muli ako. Malamig ang klima rito, batid naman ito ng nakakarami; ito na siguro ang pangunahing dahilan ng mga turista sa kanilang pagbisita. Subalit bukod sa malamig na klima, tunay na marami pang maipagmamalaki ang Baguio! Isa na rito ang Burnham Park , ang itinuturing puso ng Baguio. Dahil hindi iyon ang aking unang pagbisita, masasabi ko na may mga nagbago. Lalong dumami ang tao, mas pinaganda ang ilang anyo ng istraktura, at higit na kasiya-siya kumpara sa aking huling pagpunta. (Trivia! Ang tanyag na parke na ito ay ipinangalan sa Amerikanong arkitekto at taga-plano ng lungsod ng
The month is September and as a child, my grandmother would bring me to the town plaza to watch the Balye sa Kalye , the most awaited event in Bañamos festival of our municipality. This goes every year with my grandma until I grew older to watch other events of the festival by myself or with my friends. The festival was just colors and music, an entertainment, and an annual celebration until I gained the consciousness to wonder its origin and curiosity to ask its implications to the local culture, which set the rationale of this paper. Origin The festival’s name Bañamos, which is a Spanish term meaning “we bathe”, is ascribed to the name of the municipality, Los Baños meaning “the baths”. This is due to the fact that the founding of Los Baños goes back to the Spanish colonization. In the late 16 th century, a canonical mission in the lakeshore towns of Laguna led the Franciscans to come by the hot springs of barrio Mainit , only a visita then (a chapel under a par
Pilipino ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba ang swerte mo! Alam mo ba na ang Pilipinas ay hitik sa kultura at kakikitaan ng maraming wika? Kung Pilipino ka, bakit ‘di mo pagyamanin at ipagmalaki? Ipakita sa buong mundo na ang kultura at wikang Pilipino ay nararapat lamang pahalagahan at payabungin. Isang araw, may isang dayuhan na nagtanong sa’kin, “Are you Filipinos really like that?” Hindi ko ito nabatid at sinubukan kong linawin ang kanyang tanong. Sa aming pag-uusap, nalaman ko na hinahangaan niya ang kaugalian at wika ng mga Pilipino. Napaisip ako at tinanong ang sarili, “Ano nga bang mayroon sa ating mga Pilipino?” “Ano nga bang mayroon sa ating mga Pilipino?” Tayo ay tumigil muna, mag-isip, at magtanong – “Ano ang mayroon sa ating mga Pilipino? Paano naging natatangi ang ating bansa? At Bakit tila maraming dayuhan ang nahuhumaling sa kultura at wikang Filipino?” Ito ang aking naging sagot: Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng maraming isla at n
A Thought A Day
Sa Kaharian ng Dagatanra ay may dalawang magkaibigan. Umusbong ang pagkakaibigan nila noong maliliit pa sila. Magkaibigan din ang mga magulang nila. Palagi rin silang nagkakasundo sa mga kalokohan ng bawat isa. Isang araw, pumasok sa isip ni Bugoy na pumunta sa kweba ng isang higanteng ahas habang nakikinig sa kwento ng isang matandang daga. Ang higanteng ahas ay ang nakaalitan noon ng kanilang pinuno. Ipinagtanggol ni Haring Mapatangra pati ng mga mandirigmang daga ang kanilang mamamayan dahil nanggugulo ang mga higanteng ahas sa palasyo subalit maraming nasawi sa sagupaan na iyon. Alam ng magkaibigan ang nangyari noon sa palasyo pero hindi nagdalawang isip si Bugoy. “Buboy, pumunta tayo sa kweba ng higanteng ahas?” hiling niya sa kaibigan. “Bakit? anong gagawin natin doon?” patanong na sabi ni Buboy. “Gusto ko kasing makita ang itsura ng ahas.” “Ha? Ano ka ba? Alam natin na mapanganib sa kweba?” “Eh ano naman! Basta, sumama ka nalang kasi! ” malinaw na sinabi niya sa kaibigan. “Si
Sa ikalawang semester ng akademikong taong 2018-2019, inihandog ng UP Cinema ang isang Alternative Class Learning Experience (ACLE) na pinamagatang “PORN-Nyetang Kahirapan: A Critical Discussion on Poverty Porn in Philippine Independent Cinema” . Sa pangunguna ni Ginoong Ed Cabagnot bilang tagapagsalita, isa sa mga haligi ng film festivals sa ating bansa, tinalakay ang mga konsepto ng porn , poverty , at pelikula. Sinimulan niya sa pagtatanong sa madla ng aming konsepto ng porn . Karamihan sa mga tugon ay may kinalaman sa sekswal na kalikasan; para kay G. Cabagnot, ang porn ay isang mapagsamantalang paggamit sa makamundong pagnanais ng mga tao o base sa tao – lalo na ng target audience . Tinuloy niya sa depenisyon ng poverty-porn bilang tema ng pelikula. Ito raw ay naglalarawan sa malungkot na kondisyon ng pamumuhay sa isang lipunan na ginagalawan. Mayroong kaisipan na ang mas nakakaawa na kalagayan ay mas kaakit-akit sa mga dayuhan na manonood ng pelikula. Dagdag pa ni G. C
Walang taong perpekto! Ito ang kailangan nating tandaan sapagkat masasabi kong lahat ng to ay mapanghusga. Tulad ng pangalwang pangungusap ko, isang panghuhusga na iyon. Kahit sino nakakapagsabi ng mga salita na nakakasakit pero di naman nila sinasadya. Wala naman talagang taong perpekto kahit ipaayos mo pa ang buong katawan mo hindi magbabago ang tunay na ikaw. Alam kong gustong nating lahat na maging perpekto subalit mukang suntok sa buwan ito. Ikaw, ako, lahat tayo ay nakapaghusga na. Di mo man sadyain, nakakapagbitiw ka ng mga salita. Ako bilang estudyante madami akong kakilala na mapanghusga. Napansin ko rin na yung mga taong mapanghusga ay nahusgahan na rin minsan. Ang buhay nga ay parang isang gulong, minsan nasa taas ka kalimitan nasa ibaba. Minsan ikaw ang nangunguna kalimitan nasa huli at minsan ikaw ang nang-aapi madalas ikaw ang naaapi. Walang perpektong buhay kaya asahan mo na puno ang mundo ng panghuhusga. At sa oras na ito, madaming nanghuhusga at nahuhusga
Ang Dalawang Magkaibigan
For this year's summer getaway, I and my friends went to Manuel Uy Beach Resort, located in Calatagan, Batangas last April 14-15, 2018. We had this high school boy group named We Are One (Yes, for real! 😁) in 2015 - photo below: (Top left to right: Joshua Paul Jopoy Pajarillo, Steven Popo Religioso, Ace Balbarez (Me), Renz Araos, Ryan Reyes Below left to right: Jerome Pamulaklakin, John Love Luper, JD
For this year's summer getaway, I and my friends went to Manuel Uy Beach Resort, located in Calatagan, Batangas last April 14-15, 2018. We had this high school boy group named We Are One (Yes, for real! 😁) in 2015 - photo below: (Top left to right: Joshua Paul Jopoy Pajarillo, Steven Popo Religioso, Ace Balbarez (Me), Renz Araos, Ryan Reyes Below left to right: Jerome Pamulaklakin, John Love Luper, JD