obligasyon ng magulang sa anak quotes

obligasyon ng magulang sa anak quotes

Kayamanan ko ang mga anak ko., madalas mo yan maririnig sa mga magulang. Sarap pakinggan diba? Eh ito?..Pinag-aral ko kayo, ngayon na may mga trabaho na kayo magbayad na kayo sa amin ng nanay/tatay ninyo!...Anong magiging reaction mo?

Ang ibang magulang utang pala ang dating sa pagpapalaki ng anak. Kaya pala nag-anak ng madami para yung mga yun na ang bumuhay sa kanila at sitting-pretty na lang pag nagsipaglakihan na ang mga junakis nila. So paano naman ang kinabukasan ng anak? Wala na din? Lahat mapupunta sa magulang at pagpapalaki ng sarili nilang mga anak. They do not have capacity to plan and invest for their own retirement. At pag sila naman tumanda, it is either they will work on their entire life or aasa sa maliit na pension ng gobyerno o aasa sa mga anak. And the cycle goes on and on and on.

TopQuotes (2023 Update) - Obligasyon Ng Magulang Sa Anak Quotes />

May naririnig pa nga ako, high-school palang sinasabi na sa anak na dalin sila sa ibang bansa, bilan sila ng sasakyan o ng bahay. Hindi naman masama mangarap ano po? Pero nagbibigay tayo ng maling isipin. Namumulat na ang mga bata na kayo bilang parents nila eh dedepende nyo ang mga naudlot nyong pangarap sa mga anak ninyo. Meron nga ako kaibigan, ang tagal bago nakapag-asawa dahil di pa daw tapos ang ang obligasyon nya sa pamilya nya. Lumagay kaya kayo sa ganong sitwasyon? Ang bigat ano po? Bigat na dalahin. Yung isa naman nag-abroad at nung gusto ng umuwi ng babae ang sabi sa kanya ng nanay nya Anak, dyan ka na muna, di pa natin kaya na sama-sama tayo dito. Pasan mo ang daigdig lang ang tema pag ganyan ang maririnig mo. Nakakaiyak pero reality po yan.

Tagalog Quotes About Family

Naalala ko ang sabi ng tatay at nanay ko palagi Obligasyon ng magulang ang mga anak. Pero ang anak eh hindi obligasyon ang magulang. Nakinkil sa mga isip nming magkakapatid yun. Sa ilang taon ko na nagtatrabaho kahit kelan di ako hiningan ng singko ng magulang ko. Hindi ako binigyan ng obligasyon o tinokahan sa bahay. Nagbibigay ako kung ano lang ang kaya ko. Pero nung nakapag-abroad ako, monthly may Php3, 000 sila sa akin. Malaki o maliit? Yun ang di ko alam. Pero alam nyo tuwing nagigipit kaming mag-asawa nakakahiram kami sa knya ng daan-daang libo. At sinasabi ng tatay ko, Yan ang pinapadala nyo, iniipon ko.

Hindi ko sinulat ito para inggitin kayo dahil ganito ang mga magulang ko. Sinulat ko to para magmulat sa atin na sana pag naging magulang na tayo, eh wag tayong maging pabigat sa mga anak natin kapag may kanya-kanya na din silang pamilya. Ngayon palang magplano ng maayos para sa anak at para sa sarili. Baguhin natin ang mga dating papananaw na ngayon eh nagdudulot ng mga malaking di pagkaka-unawaan. Minsan sa madalas eh nagiging away ng mag-asawa or ng magkakapatid kung sino at magkano ang magbibigay para sa monthly expenses ng magulang.

Sa mga anak naman, hindi ko to sinulat para maging balasubas. Magbigay ng naayon sa puso. Tandaan nyo ang unang utos na may pangako, Mahalin ang mga magulang. Para sa mga nanay at tatay, huwag maging magulang o tuso, huwang maging tamad kundi maging maayos na ama't-ina sa mga supling.1. “Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

Katangian Ng Mabuting Tatay Sa Kaniyang Mga Anak

2. “Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

4. “Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

5. “Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”

Esp 8 Q1 Las

9. “Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”

10. “Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa ’ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.”

11. “Yon ang mali sa tinatawag na ‘cool factor.’ Para maging ‘in’ ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”

Top 40 Bob Ong Quotes (2023 Update)

12. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

13. “Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ’yan ng tao!”

The

15. “Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.”

Mga Paboritong Linya Ni Nanay

19. “Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

21. “Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng pagsusulat n’ya ay “to exorcise the demon in me.” Totoo yon para sa karamihan ng mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.”

22. “Bilang guro, hindi ka dapat manguna sa mga naniniwalang hindi lahat ng tao ay may kapasidad matuto. Sumasalamin lang ito sa kapasidad mong magturo.”

Modyul 10: Pagsunod At Paggalang Sa Mga Magulang, Nakatatanda By Ahyie Talha

23. “Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.”

27. “Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo matutulungan ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka hindi ikaw ang magiging huli hindi ka solusyon. Pero hindi yun ang dahilan para mawalan ka ng pag-asa at tumigil na magbigay nito. Mang Ernesto: Kapitan Sino by Bob Ong.”

Tagalog

32. “Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw ’yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.”

Look How F Up Our Society. Mga Magulang Na

33. “Naghahanap ang mga tao ng iba na magliligtas sa kanila. Dahil hindi sila yung ‘iba’ na yon, wala silang ginagawa. Walang nagbabago. Walang may gustong magbago. Naghihintay lang ang lahat sa ‘iba’, yung hindi nila katulad.”

35. “Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?”

36. “Sino nga ba ang learning disabled, ‘yung mga hirap mag-aral o ’yun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman ’yung pangalawa?”

Mga Tatay Na Di Na Nakakapagsustento Sa Anak, Maari Na Raw Makulong

37. “Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong ’di mo kontrolado kung kelan siya bababa.”

38. “Akala ko noon pinakamalaking problema ko na ang naging problema ko sa eskuwela. Malayo pala sa katotohanan. Pero maaga akong tinuruan nito na maging matibay, at natuto agad akong pumili ng kakapitan. Napakahalaga noon dahil doon nakasalalay kung magpapadurog ka sa tadhana o magpapahulma nang matibay.”

ALAMIN:

40. “Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.”

Funny Pinoy Quotes — Alalahanin Mo Ang Realidad

41. “Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.”

42. “Sino nga ba ang misteryoso: Ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad, at pangalan pero bukod doon e wala nang iba?”

43. “Kawalan lang ito sa mga naghahanap ng makikita at mahahawakan. Ngunit para sa mga pamilyang nasa puso ang pagdiriwang – katulad ng pamilya ng Batang dahilan ng pagdiriwang – sapat nang kasiyahan ang pasasalamat at dasal.”

Araling Panlipunan: Yunit Ii Aralin 7: Pananagutan Sa Pangangasiwa At Pangangalaga Ng Pinagkukunang Yaman Ng Bansa

46. “Hindi ko alam kung bakit ka namin kailangan? – sa parehong paraan na hindi rin alam ng halaman kung bakit

LihatTutupKomentar