Ano nga ba ang pamilya? Ito ang tinanong ko sa aking naging estudyante ng ang topic na pinag uusapan naming ay bokasyon.
Tunay naman na ang pamilyang matatawag na Pamilya dahil ito ay binubuo ng tatay, nanay at mga anak, hindi ng dalawang lalake, o dalawang babae, at mag aampon na lang ng kanilang itutring na mga anak. Iyan ang pinaka ngangambahan ngayon ng tadisyunal na depinisyon ng pamilya. Nakakatakot, napapalitan na ang tunay na layon ng pagpapamilya, ang maging kaisa ng Diyos sa pagbabahagi ng buhay, at ikalawa ay ang pagsasama.
Pamilyang Nagsisimba />
15, at nang sumunod na araw ay naordinahan bilang diakono, nangangahulugan na tapos na at panibagong simula. Nung ako naordinahan binigyan ng plake o
Hand Painted Family Travel Together Png Image Free Download And Clipart Image For Free Download
Ako ang produkto ng kanilang pagmamahalan nina tatay Ben at Nanay Lucing ko. Dahil sa kanila umusbong at nagbunga ang bokasyon ko sa pagpapari, tunay na ang pamilya ang pinag uugatan ng bokasyon. Sa pamilya unang natututong maging bukas loob na maghandog buhay. Hindi rin naging mahirap sa akin ang maglaan ng sarili sa iba dahil ito rin ang namulatan ko sa kanila.
Ang TAHANAN ay ang lugar kung saan una tayong natutong magmahal. Dito tayo kumukuha ng lakas at tibay ng loob sa pagharap natin sa mundo. Hindi ba kapag nakakaranas tayo ng matinding pagsubok,
Mula sa ibang tao, ay nagbubunga ito ng pag iyak natin. At sa tahanan tayo ay muling pumapasok, sa tahanan tayo muling nakakasumpong ng katiyakan na mahal na mahal tayo ng pamilya. Sa tahanan, tumitigil ang ating paghikbi, tayo ay tumatahan sa ating pag iyak. Sa tahanan natin nakikita ang pananahan ng pagmamahalan at pagtanggap.
The Christian Weekly
Ang EUKARISTIYA ay hindi naiiba sa mga aspetong ito, tayong mga Pilipino ay kilalang MEAL ORIENTED. Mahilig tayong kumain, mahilig sa mga handaan, mahilig dumulog sa mesa. At ang pagkain ng buong pamilya sa hapag kainan ay isang mala Eukaristiya, dito naghahati sa kung ano ang kayang mapagsaluhan, naghahati hati at nagbabahagi ng mga karanasan sa buong isang araw na nagdaan, napupuno ng tawanan, nagiging lugar na mag bukas ng kanilang mga sarili. Isang commercial na alam kong very familiar kayo, ang commercial ng Lucky Me, kung saan ipinapakita ang kahalagahan ng pagkain ng sabay sabay ng pamilya. Pinagbubuklod nito ang pamilya.
ANG EUKARISTIYA ANG NAGBUBUKLOD SA ATIN. Sa Eukaristiya, tayo ay inaanyayahan na maging iisang pamilyang sambyanan. Naghabilin sa atin si Hesus, ang magmahalan gaya ng pagmamahal na ginawa niya sa kanyang mga apostol. Maging mapagkumbaba, maglingkod sa bawat isa. Sinabi Niya, gawin ninyo ito bilang pag aala ala sa akin, ang ala alang, maglingkod at magmahalan. Ang maging iisa sa kanyang Eukaristiya.
Ito ang hamon sa atin ngayon, na pagbuklurin ang bawat pamilya. Hindi lamang ito misyon ng mga pari na kayo ay paalalahanan, ibinigay na ni Br. Noman sa inyo sa buong araw na ito, ano ngayon ang inyong tugon, kayo ay hinahamon.
Christian Art And Photography
Mga NANAY AT TATAY, lumaban naman tayo, bigyan naman natin ng magandang laban ang habilin ni Hesus sa atin na tayo ay maging matatag sa ating pagtugon ng kayo ay nagsumpaan sa harap ng Diyos nung kayo ay ikasal. Ibangon natin muli ang nadapang pamilya. Muli nating pagningasin ang aandap andap na liwanag ng ating pamilya, hindi pa huli ang lahat, ito ay panibagong simulain sa atin.
SA LAHAT NG INA, naway gamitin ninyong inspirasyon ang mahal na Ina, ng tunay na pagiging tapat sa Diyos at sa pamilya. SA LAHAT NG TATAY, si San Jose ang inyong gawing lakas, tahimik na nakabantay sa kanyang pamilya. Gawin din nating inspirasyon ang kwento nina Vince at Trisha at ng kanilang mga anak, (A Love Affair movie), nagkamali, nadapa ngunit muling tumindig sa ngalan ng pamilya.
SA MGA ANAK, gawin ninyo ang dapat na gawin ng Kristiyanong anak at mga kabataan, huwag na lang basta itatapon ang mga aral na ipinagkaloob sa inyo ng inyong mga magulang, bigyan ninyo rin sila ng magandang laban. Lalaban at tutulong na maging matatag ang pamilya. At sa tulong nila alam ko makikita ninyo rin kung saang bokasyon kayo tinatawag. Huwag kayong mamadala sa kaway ng material na mundo, Huwag kayong matatakot. Kumuha tayo ng inspirasyon sa ating Big Brother na si Hesus, ng tamang pagsunod sa Ama. Naway matulad tayo sa kanya na ang buhay natin ay hindi lang basta masasayang, kundi handa tayong humandusay – ang maghandog buhay para sa iba.
What's Happening In Luzon: Missionary Journey
Nandyan ang Diyos, nandyan ang Eukaristiya. Hindi kailanman tayo magkakawatak watak. Walang mag iisa, bagkos tayo ay pinagbubuklod. Nasa sa atin na ang kasagutan, nasa sa atin na ang inspirasyon, atin pa ba itong pakakawalan? Amen.