sino ang pangunahing epekto ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang pilipino

sino ang pangunahing epekto ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang pilipino

Nang lumaganap sa buong mundo ang lockdowns dulot ng pandemya noong maagang bahagi ng 2020, bumulusok pababa ang advertising rates at nagbabala ang news analysts ng isang “extinction-level event ” para sa news organizations. 

Nabahala ang SembraMedia sa maaaring epekto ng krisis na ito sa independent digital native media na aming katrabaho. Dahil dito, sinimulan namin ang isang malakihang proyektong pananaliksik noong umpisa ng 2021 upang malaman kung ano ang nangyari sa medyo bagong media players at kung ano ang nabago mula noong una naming Inflection Point na pag-aaral noong 2016.

SaPamilyang Pilipino />

Nakahinga kami nang maluwag noong malaman naming karamihan sa mahigit na 200 digital native media na kasama sa pinalawig na pag-aaral na ito ay hindi nagtamo ng malaking pagkaluging pampinansiyal na iniulat ng tradisyonal na media players. Ipinahihiwatig ng aming pagsusuri na ang pangunahing dahilan nito ay hindi masyadong umaasa sa advertising ang digital native media; nadagdagan din ang grant funding para sa media noong 2020. 

Simbahang Katolikong Romano

Sa aming unang Inflection Point na pag-aaral, nakapanayam namin ang 100 digital native media entrepreneurs sa Argentina, Brazil, Colombia, at Mexico. Bukod sa pagsasagawa ng 100 na mga panayam sa apat na mga bansa para sa ulat na ito, nagdagdag pa kami ng walo pang mga bansa kung saan nakapanayam namin ang media leaders mula sa

49 na digital media organizations sa Africa: mula sa Ghana, Kenya, Nigeria, at Timog Africa; at 52 sa Timog-silangang Asya: mula sa Indonesia, Pilipinas, Malaysia, at Thailand. 

Kasama ang isang pangkat ng 23 lokal na mga mananaliksik na pinamumunuan ng regional managers, nagsagawa kami ng mga panayam gamit ang sariling wika ng bawat bansa. Ang mga panayam ay tumagal ng mula 2 hanggang 3 oras at naglaman ng 500 na mga katanungan na sumaklaw sa nilalaman ng pamamahayag (journalistic content) at epekto nito, kalayaan sa media at kaligtasan ng mamamahayag, mga pinagmulan ng kita at mga gastos, istraktura at karanasan ng pangkat, paggamit ng social media, at teknolohiya at inobasyon. 

Bangko Sentral Ng Pilipinas Price Stability

Tulad ng maaari mong asahan, may mga pagkakaibang panrehiyon sa digital news media sa Africa, Timog-silangang Asya, at Latin America na isinama namin sa ulat na ito. Subali’t ang pinakanapansin namin habang sinusuri ang datos ay ang mga lumitaw na pagkakatulad ng news organizations habang nagsusumikap silang i-cover ang kanilang mga pamayanan at magtayo ng sustainable business models.

Bagaman karamihan sa digital news media sa mga bansang ito ay medyo maliit ang budget, sila ay may epekto na lampas sa laki ng kanilang mga pangkat at resources. Marami sa kanila ang dalubhasa sa investigative at data journalism, at higit sa 50% ang nanalo ng national o international awards para sa kanilang trabaho.  

Ang Inflection Point International ay kumakatawan sa pinakamalalim at pinakamalawak na pananaliksik na ginawa kailanman sa estado ng digital native media sa Latin America, Timog-silangang Asya, at Africa. Tulad ng maraming bagay sa ating mundong hindi pa talaga nalalampasan ang pandemya ng Covid-19, ang natuklasan namin ay halo ng nakakaalarmang mga banta at nakakapagbigay ng pag-asa na mga tagumpay.

The Torch Publications Tomo Lxxiv Blg 1 By The Torch Publications

Ang digital news outlets sa pag-aaral na ito ay itinayo ng determinadong media founders na handang harapin ang mga tiwaling gobyerno at marahas na international cartels sa kabila ng limitadong resources. Masyadong marami sa kanila ay inilalagay sa peligro ang kanilang mga kabuhayan—at sa pinakamalalang mga kaso, ang kanilang buhay. 

Subali’t ang ulat na ito ay hindi isang paghingi ng tulong o desperadong pagmamakaawa upang mailigtas ang isang grupo ng media na humaharap sa kaguluhan—marami nga sa media founders na aming nakapanayam ay nag-aatubiling humingi ng tulong. 

Ang aming layunin sa mga susunod na mga pahina ay tanglawan ng liwanag ang dumadaming media players na mga ito na ngayon pa lang nagsisimulang tumanggap ng karapat-dapat na pagkilala. Marami sa digital native media sa pag-aaral na ito ay nakagawa ng mga kwentong nagkaroon ng makabuluhang epekto sa mundo, mula sa pagprotekta sa endangered species, pagtaguyod sa gender equality, hanggang sa pagpuwersang magbitiw sa kahihiyan ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno.

China, Korea And Japan: Forgiveness And Mourning

Binabahagi namin ang aming mga natuklasan at rekomendasyon dahil karapat-dapat naming tulungan ang media leaders na mga ito upang panatilihin silang ligtas habang nilalabanan nila ang mga makapangyarihang puwersa. Karapat-dapat din silang bigyan ng suportang pampinansyal at pagsasanay upang makapagtayo ng mas matatag na malayang media organizations na maglilingkod sa kanilang mga pamayanan—at mga demokrasya—sa mga darating na taon.

Humaharap ang bagong new media ventures na mga ito sa marami sa parehong mga hamon na tipikal na hinaharap ng startups. Subali’t madalas na sila ay nagtratrabaho sa ilalim ng mga kundisyon na ituturing na hindi kapani-paniwala ng ibang business founders—mula sa mga online na pag-atake hanggang sa pisikal na karahasan.

Filipino

Sa tatlong rehiyon, 51% ng media organizations sa pag-aaral na ito ang nagsabing sila ay biktima ng mga digital na pag-atake, at 40% ang nagsabing sila ay pinagbantaan dahil sa kanilang trabaho—kadalasan kada linggo o kung hindi ay araw-araw. 

Becauseofyouth Spotlight: Alexi Lindeman

Laganap na ang online harassment. Marami sa organizations na aming nakapanayam ang nagsabing napasailalim sila sa halos walang-patid na trolling at iba pang uri ng online abuse at harassment—kadalasan sa pamamagitan ng social media.

Upang mas maintindihan namin kung ano ang naging kalagayan ng digital native media bago nagka-pandemya at habang may pandemya, tinanong namin sila ng detalyadong mga katanungan tungkol sa pinagkukunan ng kita at mga gastos nila noong 2019 at 2020.

Sa buong ulat na ito, gumamit kami ng datos mula sa 2019 para maiwasan ang maaaring mga pansamantalang anomalya na dulot ng pandemya. Isinama lang namin ang mga natuklasan mula sa 2020 kapag may mga pagkakaibang kapansin-pansin. 

Awareness Campaigns Help Prevent Against Covid 19 In Afghanistan

Dapat naming banggitin na hindi lahat ng media sa pag-aaral na ito ay nasagot ang aming mga katanungan tungkol sa kita at pananalapi; may ilan na tumangging sumagot kahit na siniguro naming mananatiling lihim ang lahat ng kanilang mga kasagutan. Dahil dito, ang mga numero sa pananalapi sa ulat na ito ay nakabatay sa mga natutunan namin sa 141 mula sa kabuuang 201 media leaders na aming nakapanayam. Para mas maihambing ang aming mga natuklasan, ang mga kita at gastos ay tinuos sa U.S. dollars gamit ang average conversion rates para sa taong inulat. 

Sa lahat ng media sa tatlong rehiyon sa pag-aaral na ito, ang mga nangungunang kategorya ng kita ay: grants, advertising, consulting services, content services, at reader revenue, sa ganitong pagkakasunod-sunod, para sa parehong taon.

Th

Kapansin-pansin ang mataas na antas ng grant funding dahil hindi ito pangunahing pinagmulan ng kita ng media na aming pinag-aralan sa Latin America noong 2016. Ito ang taon kung kailan ang grant funding ay naiulat ng 16% lamang ng media na kasama sa aming unang pag-aaral. 

Ang Pag Iwas Sa Polusyon Ay Magsisimula Sa Iyong Kusina

Noong 2019, ang grant support sa lahat ng media sa tatlong rehiyon sa pag-aaral na ito ay kumatawan sa 28% ng kabuuang kita at tumaas ng 31% noong 2020. Ang average na antas ng grant kada media ay tumaas mula $48, 000 noong 2019 sa higit pa sa $63, 000 noong 2020. Mas mataas pa rito ang grant support sa Latin America.

Sa mga pribadong pag-uusap, narinig namin na may donors at foundations na pasidhi nang pasidhi ang pag-aalala na ang independent media ay nagiging masyadong nakaasa sa grant funding. Ganyan din ang aming pag-aalala. Gayon pa man, may dahilan upang maniwala na ang nadagdagang donor support at philanthropic investment ay bahagi ng mga bagay na nakatulong sa digital entrepreneurs na harapin ang bagyo noong “pandemic crash.” 

Upang makita ang tunay na kahalagahan ng natuklasan namin na ito, importanteng pansinin na maliit lamang ang budget ng digital entrepreneurs kaya’t malaking tulong sa kanila ang funding, gaano man ito kaliit. 

Tof Na Magho Host Ng Ocean Acidification Training Para Sa Senado Ng Mexico

Iniulat ng higit sa 60% ng digital native media organizations sa pag-aaral na ito na ang kabuuang kita nila noong 2019 ay mas mababa sa $50, 000; 8% sa kanila ang nag-ulat na walang kinita na nangangahulugang lubos silang umaasa sa volunteers. 

Subali’t hindi lahat sila ay ganoon kaliit. Sa tatlong rehiyon noong 2019, higit sa 36% ang nag-ulat ng taunang kita na sobra sa $100, 000, at 15% ang nag-ulat ng median na taunang kita na higit sa $1 milyon.  

Pagbabago

Natuklasan din namin na halos 25% ang tinapos ang 2019 na kahit papaano ay may kinitang tubo matapos ibawas ang mga gastos.

Sa Muling Pagbubukas Ng Inyong Bahay Panambahan, Alamin Kung Paano Magsasama Sama Ng Ligtas

Upang mas maintindihan kung paano nagtatayo ng business models ang media na nasa iba’t ibang yugto ng development, gumawa kami ng listahan ng 30 magkaibang uri ng pinagkukunan ng kita na ating sisiyasatin nang puspusan sa kabanata tungkol sa Building Business Models. 

Matagal na naming itinataguyod ang paggamit ng iba-ibang mapagkukunan ng kita para sa mas maigting na kalayaan at sustainability. Subali’t nang ihambing namin kung ilan ang pinagkukunan ng kita ng bawat media at papaano nito naapektuhan ang kanilang taunang kita, natuklasan namin na hindi lagi mas mabuti ang marami, at ang dalawa hanggang anim na mapagkukunan ng kita ang pinakamainam. 

Ang mga nag-ulat na may higit sa anim na pinagkukunan ng kita ay hindi rin naman awtomatikong kumita ng mas malaki. Ang pagkatuklas na ito ay aming inuugnay sa isang pangkaraniwang hamon na hinaharap ng maraming entrepreneurs: ang sabay-sabay na pagkuha ng masyadong maraming proyekto ay maaaring humadlang sa tagumpay.

Ano Ang Pagkakaiba Sa Pagitan Ng Kaganapan Ng Psps At Flex Alert?

Isa sa pinakamalaking pagkatuklas mula sa aming unang pag-aaral ng media organizations na pangunahing pinamumunuan ng mga mamamahayag ay ang epekto ng pagdadagdag sa kanilang mga pangkat ng isa man

LihatTutupKomentar