tungkulin o hakbang sa pagharap sa epekto ng migrasyon

tungkulin o hakbang sa pagharap sa epekto ng migrasyon

Nagmumungkahi ang isang global health expert ng detalyadong gabay-panuntunan para sa muling pagtitipon ng mga kongregasyon sa gitna ng pandemic na ito.

Sa nakalipas na apat na buwan, lumaganap sa buong daigdig ang isang bagong coronavirus na nagbunga ng punong-punong mga ERs sa mga pagamutan, mga pasyente sa mga ICUs na naka-ventilator at mga pamilyang nagluluksa at nananaghoy sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Upang masugpo ang pagkalat ng virus na ito, nagpatupad ang maraming mga bansa ng istriktong kautusang manatili ang mga mamamayan sa loob ng kani-kanilang mga tahanan. Ang pamamaraang ito ay mahigpit at nakasasakal subalit pinaniniwalaang kailangang ipatupad sapagkat maraming mga bansa ang hindi naging handa sa dagliang pagkalat ng virus. Kung walang ginawang hakbangin na tulad nito ang mga bansa, maaaring hindi nakayanan ng kani-kanilang mga sistema at institusyong pangkalusugan ang mabilis na pagkalat ng impeksiyon at maaari ring naging mas mabilis pa ang pagdami ng bilang ng mga namatay dito.

MadaliMigrasyon />

Sa panahon ng krisis na ito, ipininid ang mga bahay panambahan sa US at sa iba pang panig ng mundo. Pansamantalang ipinatigil ng pamahalaan ang mga panambahan at iba pang mga gawaing panrelihiyon. Katulad ng iba pang mga ginawang aksiyon ng pag-iwas at pagsugpo sa COVID-19, maaaring hindi natin talaga malaman kung epektibong nalimitahan ba nito ang pagkalat ng virus. Gayunman, bilang isang pandaigdigang paham sa larangan ng kalusugan na may 25-taon na karanasan sa pagsugpo ng ibat-ibang mga karamdaman sa ibat-ibang panig ng mundo, nakasisiguro ako na naiwasan nito ang pagkakasakit ng mga mananamba sa mga bahay-sambahang ito gayundin ang kanilang mga pamilya at kaibigan.

Ap10 Q1 Mod3 Pagharapsasuliraningkapaligiran V3

Sa US, pagkatapos ng anim o higit pang linggo ng istriktong pagpapatupad ng kautusang manatili ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang mga tahanan, tumaas ang bilang ng mga nawalan ng trabaho. Maraming mga mamamayan ang bagot na bagot na sa pananatili sa loob ng kanilang mga tahanan. Parami rin ng parami ang mga nananawagan sa pamahalaan na bawasan na ang paghihigpit sa kani-kanilang mga pamayanan.

Nagbabala ang mga eksperto sa kalusugang pampubliko na ang US ay may kakulangan pagdating sa testing, contact tracing at kakayahan sa pag-quarantine sa mga nagkakasakit upang masugpo ang pandemic. Sa kabila nito, nagbawas na ng paghihigpit ang ilang mga estado. Pinayagan nang mabuksang muli ang mga non-essential businesses sa kani-kanilang mga lugar.

Sa kasalukuyan, nahaharap ang ating mga iglesya sa isang napakahirap na desisyon – kailan natin bubuksang muli ang ating mga bahay panambahan at paano natin gagawin ang ating mga pagsamba at pagmiministeryo ng ligtas.

Climate Change Commission

Iminumungkahi ko na ang marapat nating gawin upang makausad pasulong ay ang magkaroon tayo ng maliliit at paisa-isang hakbang patungo sa muling pagbubukas na ito. Sa pagsunod sa mga maliliit at paisa-isang hakbang na ito, matutulungan ang pandaigdigang iglesya na magampanan ang kaniyang pagkatawag, abutin ang mga pangangailangan ng mga miyembro at pangalagaan ang mga nasa-iglesya at ang mga nasa komunidad sa paligid nito.

Upang makilala ang pagkatawag ng Diyos para sa mga iglesya na aking pinapayuhan sa lungsod ng Seattle, pinanghahawakan ko ang dalawang gabay-panuntunan: ang mga katotohanang biblikal at ang mga kaalamang maka-agham. Naniniwala ako na kapwa ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang mga ito.

Ayon sa talatang tinaguriang The Great Commandment, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos… at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39). Sa panahon ng pandemic na ito, naipakikita ang pagmamahal natin sa ating sarili sa kung paano natin pinangangalagaan ang ating kalusugan sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkakasakit. Sa gayunding paraan, naipamamalas natin ang pagmamahal sa ating kapwa sa kung paano natin iniiwasan na sila ay dapuan ng karamdaman.

Mga Epekto Sa Pakikilahok Sa Klase Ng Mga Manggagawang Mag Aaral

Gayunman, sa kabila ng ating pagtutuon ng pansin sa pagsugpo at pag-iwas sa COVID-19, dapat hindi rin natin mapabayaan ang ating espiritwal, emosyonal at sosyal na pangangailangan – sa ating mga sarili, at sa ating kapwa. Sa panahong ito ng social distancing, marahil pinakamahalaga pa rin sa ating mga iglesya na tugunan ang mga pangangailangang ito.

Heeeellllllppppppppppp

Bilang mga disipulo ni Kristo, natutugunan ang mga pangangailangang ito habang ipinamumuhay natin ang ating pagkatawag na sumamba, manalangin, palakasin ang isat-isa, mangaral ng ebanghelyo, mang-disipulo, at magsilbi. Gayunpaman, gawin natin ang mga ito sa paraang nababawasan o napapababa ang panganib ng pagkalat ng COVID-19. Samakatuwid, gamitin natin ang mga kaalamang maka-agham patungkol sa virus na ito upang maiwasan ang pagkalat nito sa ating mga iglesya.

Bawat araw, mabilis na nadadagdagan ang ating maka-agham na kaalaman patungkol sa COVID-19 sapagkat sama-samang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng mga pinaka-paham sa mundo ang pag-aaral sa virus na ito. Nakakapangalap din tayo ng maraming mga kaalaman ukol dito mula sa ibat-ibang mga bansa. Natututunan natin kung ano ba ang mabisa at hindi upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Marami sa mga kaalamang ito ay makatutulong sa ating mga iglesya habang pinaghahandaan ang muling pagbubukas ng mga bahay-panambahan at pagmiministeryo:

Ap Grade 10 Q1 Printing

Taliwas sa mga nauna nating kuro-kuro ukol dito, talastas na natin ngayon na ang COVID-19 ay maaaring maikalat bago pa man magkaroon ng sintomas o palatandaan nito ang isang tao. Ipinaliliwanag ng kaalamang ito kung bakit napakabilis at madalas ay hindi kapansin-pansin ang pagkalat nito dahilan upang lalong maging mahirap ang pagsugpo sa pagkalat ng impeksiyon.

Alam na rin natin na hindi lahat ng maysakit ay nakahahawa sa ibang tao. May ilang mga salik na ayon sa pag-aaral ay may kaugnayan dito. Kabilang sa mga salik na ito ang mga sumusunod:

-

Mas mataas ang panganib na mahawa sa sakit habang mas marami ang naroon sa mga salik na ito. Habang iniiwasan naman natin ang pagkakaroon ng mga salik na ito, bumababa ang panganib na mahawa tayo (tingnan ang talaan sa ibaba).

Protektahan Ang Mga Mas Mataas Ang Posibilidad Na Magkaroon Ng Malubhang Covid 19

May tumitibay at umiigting na siyentipikong basehan na ang mga bata at kabataan ay hindi madaling mahawa sa COVID-19. Mababa rin ang posibilidad na sila ay magpakita ng sintomas o palatandaan ng impeksiyon kapag sila ay kinapitan na ng coronavirus. Gayunman, ang dami ng virus na maaari nilang taglay at ang kakayahang makahawa sa iba ay walang pinagkaiba sa matatanda. Dahil mas madaling mahawaan ng COVID-19 ang mga nakatatanda, dapat mabawasan ang inter-generational contact o ang pagsa-sama-sama at pagtitipon-tipon ng mga bata, kabataan at matatanda sa iisang lugar.

Noong una, mas pinagtuunan natin ng pansin ang mga panganib ng COVID-19 sa mga nakatatanda dahil mas mataas ang bilang ng mga nagkakasakit at namamatay na matatanda.

Pagkatapos, napag-alaman natin na ang mga nakababata kung may mga malalalang kondisyon ng hypertension at diabetes ay mas madali ring mahawaan at maaari pang magkaroon ng higit na malalalang komplikasyon kapag kinapitan ng sakit. Sa katotohanan, sa US ay 60 bahagdan ng mga nadala sa ospital dahilan sa COVID-19 ang may gulang na mababa sa 65 taon.

Mga

Tungkulin O Hakbang Sa Pagharap Sa Epekto Ng Migrasyon

Base sa mga pag-aaral kamakailan, lumalabas na 45 bahagdan ng mga Amerikanong nasa hustong gulang ang may mga kondisyong naglalagay sa kanila sa panganib ng mas malalalang komplikasyon ng COVID-19. Sapagkat mas marami ang bilang ng mga nakatatandang dumadalo sa mga panambahan, mas mataas din ang bahagdan ng mga miyembro ng iglesya na nasa panganib na makaranas ng mas malalalang komplikasyon ng COVID-19 kung sakaling sila’y tatamaan ng karamdamang ito.

Ang mga testing, contact tracing, at pag-quarantine sa mga maysakit at sa mga nakasalamuha ng mga ito ay maaaring magpagaan sa epekto ng COVID-19 pandemic kahit walang pangmalawakang lockdown. Gayunpaman, ang mga hakbang na ito ay dapat ipatupad ng mabilis at walang pagpapatumpik-tumpik. Nagawa ito ng matagumpay ng mga bansang South Korea at Taiwan. Sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong araw mula sa paglabas ng mga sintomas o palatandaan ng sakit, na-test na ang mga pasyente at nai-quarantine na rin ang mga nakasalamuha ng mga ito. Nagawa ito ng matagumpay sapagkat ang mga bansang South Korea at Taiwan ay may pinaka-matataas na antas ng testing sa buong mundo. Mayroon din silang sanay na sanay na mga contact tracers na nangangasiwa sa mabilis na pagtukoy sa mga nakasalamuha ng mga pasyente at sa agad na pag-quarantine sa mga ito. Gumamit din sila ng electronic tracking, isang hakbang na maaaring hindi katanggap-tanggap sa ibang mga bansa.

May katibayan na ang pagsusuot ng face mask ay may malaking kontribusyon sa pagpapababa ng paglalabas ng mga respiratory droplets at aerosols sa hangin kahit na ang isa ay umubo o sumigaw. Ang pangunahing pakinabang ng pagsusuot ng face mask ay ang pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19 mula sa pinanggagalingan ng sakit – ang mga tinamaan na ng impeksiyon. Ang mga homemade masks ay hindi kasing epektibo ng mga surgical masks subalit nakatutulong ang mga ito. Karagdagan pa dito, ang paggamit ng face mask ay nakatutulong upang huwag mahawakan ng isang maysakit ang kaniyang ilong at mailipat ang virus sa mga surfaces na kaniyang mahahawakan. Nagbibigay ang face mask ng limitadong proteksiyon laban sa impeksiyong dulot ng COVID-19.

Pdf) Pagtanggap, Pagharap, Pagpapatuloy: Prosesong Pinagdaanan Ng Mga Dalaga At Binata Na Nawalan Ng Magulang [pagtanggap, Pagharap, Pagpapatuloy: Experiences Of Emerging Adults Who Lost Their Parents]

Pang-apat, sang-ayon ang mga eksperto na bababa ang antas ng impeksiyon ng COVID-19 sa mga komunidad subalit mananatili pa rin ito sa US hanggang sa hinaharap.

Migrasyon

Ilang mga estado ang nagsimula nang mag-alis ng mga kautusang manatili ang kanilang mga mamamayan sa kani-kanilang mga tahanan. Ito ay sa kabila ng mataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 o kaya naman ay nagsisimula pa lamang itong bumaba. Magbubunga ito ng pagtaas pa ng antas ng pagkalat ng sakit

LihatTutupKomentar