Kailangan nating maging totoo sa sarili dahil baka di natin alam na naaalipin na tayo ng ating sarili.Ang tunay na malaya ay hindi lamang nakakagala tayo, nakukuha ang gusto. kundi naging totoong malaya tayo kapag hindi tayo nakokonsensya, malinis ang isip at maginhawa kahit na may problema.Masyadong malawak ang mundong ating ginagalawan at ang mundong ito ay nagbabago .
Minsan ang mga bagay na ating pinagkakaunawaan at maging dahilan ng pinag-aawayan.Ang buhay natin ay simple lang pero tayo na mismong mga tao ang gumagawa ng dahilan para maging komplikado ito.
Tungkol Sa Magandang Pananaw At Masayang Buhay />
Nalaman ko na ang mga katangian na meron ang diyos ay meron pala tayo.Ibinahagi niya sa atin kung anong meron siya ,kaya wag natin itong sayangin.Mahiwaga ang daigdig marami pang mga bagay na darating sa atin upang turuan tayo.Upang makaiwas sa kaalipinan ng sarili gumawa lang ng mabuti ng naaayon sa sarili.
Salawikain Tungkol Sa Buhay
Tayo bilang isang kabataan aminin natin sa ating mga sarili di pa natin alam ang tunay na kahulugan ng buhay marami pa tayong di nalalaman na dapat pa nating matutunan. Kaya naman, pahalagahan natin ang mga sinsabe ng ating mga magulang at huwag tayong magmarunong sa ating sarili.
Sa akdang ito marami tayong matutunan.Tulad ng hindi minamadali ang pakikipag relasyon at hindi dapat sinasaway ang magulang dahil ang ating mga magulang ay walang hinahangad na di mabuti sa kanyang mga anak.Laging isipin na ang pagsisisi ay laging nasa huli.Sabi nga ng lahat na kung anong bawal iyon ang masarap gawin pero mali iyon kung anong bawal yun ang dapat di gawin dahil ang pagsuway ay di nag dudulot ng maganda.Isipin na rin natin ang ating mga sarili bago mahalin ang iba mahalin muna natin ang ating sarili.
Sa buhay man ay maraming hadlang dapat ipagpayuloy parin natin ito hanggat alam natin na ito ay makakabuti.Para sa akin habang lumalaki ang isang tao nagkakaroon ito ng bagong paraiso, bagong buhay at bagong pananaw.
Mga Pagbigkas Ni Cristo
Ang awiting ito ay may kahalintulad sa tulang Sa tabi ng dagat dahil pareho nilang ginamit ang kalikasan sa pagpapahayag ng kanilang nararamdaman.:) 95 ang nakuhang marka. :)
Ang tulang ito ay tumatalakay sa buhay ng tao pati na rin sa pag-ibig.Naipakita rin dito ang isang masayang samahan o relasyon.Ginamit ang kapaligiran sa pagpapahayag niya sa kanyang mga nararamdaman.
Ang buhay ng tao ay masasabi nating ito'y masaya dahil mayroon mga bagay na nagpapasaya sa atin.Pero minsan ito rin ang dahilan ng ating kalungkutan.Tulad ng pag-ibig sa umpisa akala natin puro kasiyahan lang ang ating mararamdaman pero kalaunan itoy unti unting nawawala at napapalitan ng paghihinagpis.Hindi natin maiiwasan at mapipigilan na ang pag-ibig talaga ay hindi nagtatagal at itoy naglalaho rin.Maraming mga bagay na nagiging dahilan ng paghihiwalay ng isang samahan.at ang isang masayang samahan ay hindi basta basta matatapos ng isang araw lang kundi binubuo ito ng mahabang oras at panahon.:)
Ang Banal Na Kagandahang Asal Na Dapat Taglayin Ng Mga Mananampalataya Sa Diyos.
Gumawa kami ng isang sanaysay tungkul sa kilala naming ina na na nakakaranas ng pagsubok ngunit itoy kanyang nalampasan sa mabuti niyang pamamaraan.
Gumawa kami ng isang sanaysay tungkul sa kilala naming ina na na nakakaranas ng pagsubok ngunit itoy kanyang nalampasan sa mabuti niyang pamamaraan.